Tago: Solon, atat din sa Hayden-Kat sex video

Ngayong pinagpapasa-pasahan na ng madla ang kontrobersiyal na sex video ni Katrina Halili at Hayden Kho, sino’ng mag-aakalang hindi rin pala magpapahuli sa panonood at pagkuha ng kopya ang isa sa ating mga pinagpipitaganang Mambabatas of the Philippine Islands.

Sa tsikang nakalap ng ating Chikadorang Lagalag, nagulat daw ang mga miron sa naging asal nitong ating bidang mambabatas sa naturang sex scandal.

Ang siste, nagkagulo raw ang mga miron nang malamang isa sa mga tambay din ng Kongreso ang may kopya ng naturang sex video. Dahil hindi na siguro napigilan ang pananabik o pagkaatat, nag-umpukan na lang sa isang sulok ng Lower Chamber of the Philippine Congress ang mga miron para panoorin ang naturang video na para bang may nagaganap lang na mini-film showing o movie screening na Adan version.

Dahil tao lang din naman at may kuryosidad sa katawan, hindi na raw yata napigilan ni Rep ang sariling makiusyoso at alamin kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga utaw. Lumapit daw ito sa grupo ng mga miron na kung sa malayo titingnan, eh, mukhang seryosong-seryoso sa pinagkakaabalahan. Doon naispatan ni Kong na ang sex scandal pala nila Celebrity Duets contestant at Sexy Kapuso starlet ang pinagpipiyestahan.

Dahil sa haba nga naman ng naturang video, bukod pa sa para ka na rin umanong nanonood ng isang porno fim dito, hindi raw namalayan ni Kong na nakikipaggigitan na rin ito ng ulo sa ulo para lang magkaroon ng magandang view. Halos mapayuko na raw nga ito sa panonood para lang maaninag ang umano’y steamy at hot na lovemaking acts ng dalawang nag-uulayaw.

Nang matapos ang sex video, akala raw ay nakutento na itong si Kong. Pero mas lalo raw kinabog ang mga miron nang humingi ng kopya si Rep at nagtanong kung paano puwedeng maipasa sa cellphone ang naturang sex video!? May ganun?!!

Hay naku Rep…hindi ba’t kayo ang dapat nangunguna sa pagpo-protekta ng mga kababaihang inaabuso ng mga taong nagawang i-video ang kaulayaw kahit wala namang consent nito?! Kayo rin, baka tuluyang numipis ang hair n’yo….  Yano ka naman Rep ay!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.