Tago: Public Official, desperadong maging Presidente

Habang papalapit ang Mayo 2010 Elections, ’tila naghahabol na sa tambol mayor itong bida nating noon, eh, aspiring at hanggang ngayon, eh, aspiring pa ring presidentiable.

Sa latest tsika ng lagalag nating Chikadora, laman daw ng huntahan itong ating bida. Kasi ba naman, kahit gaano siya ka-vocal sa paghahangad niyang maging Pangulo of the Philippine Islands, tila laging lampas sa kabilang tenga ang pagpaparinig at pagpaparamdam niya.

Dahil dito, panic mode na raw ang lolo. Bukod kasi sa dedma ang parinig niyang ma-annoint bilang standard bearer ng isang partido, hayun, ’tila wala na sa bokabularyo ng mga utaw ang namesung niya ‘no!

Kaya nga habang may oras pa, abala na raw ang mga galamay nito sa paghahanap ng paraan para umingay muli ang pangalan nito. Matatandaan kasing pinatos nito ang isang patimpalak para lang may libre s’yang exposure sa mga tao.

Ininda n’ya ang panlalait ng mga hurado sa hindi naman niya kagandahang boses pero bumawi siya sa pagsiguradong performance level lagi ang appearance niya on national tv ‘no!

Ngayong nalalapit na ang Season 3 ng sinalihan niyang contest, ‘wag na tayong magulat kung pasok ulit ang kanyang byuti, este, voice quality pala.

loading...

One thought on “Tago: Public Official, desperadong maging Presidente

Leave a Reply

Your email address will not be published.