Tago: Mambabatas, tahong naman ang pinuntirya

Napailing na lang sa pagkadismaya ang daldalera nating Chikadora matapos mabalitaan ang bagong gimik ng bida nating kongresista. Paano naman, ang style-bulok na gimik na pinupuna niya, eh, siya na ngayon ang mismong gumagawa.

Sa chika ng ating daldalera, napag-alaman na nagsisimula na ring maglibot sa iba’t ibang panig ng Philippine Islands ang mambabatas.

Bakit siya naglilibot? Siyempre, para ipaabot sa madlang pipol ang kanyang intensyong magpapansin ngayong nalalapit na eleksyon.

Sa report ng mga miron, dinala raw ang mambabatas ng kanyang paa sa isang tahungan kasabay ng pananawagan niyang pangalagaan ang kalikasan. May i-pa-piktyur ang drama niya, kasama ang sangkaterbang tahong na iniahon para lang makasama siya.

Natawa na lang ang mga tambay ng Upper Chamber nang mabalitaan ang escapade ng ating pinagpipitaganang legislator. Kasi ba naman, parang kinain ng ating bida ang mga salitang binitawan niya lalo na noong nasa height siya ng pamumuna sa kasamahan niyang mahilig ring maglibot-libot sa teritoryo naman ng mga wala ring kinalamang itik.

Ang hirit tuloy ng mga miron lalo na ‘yung mahilig sa kasabihang Tagalog, para siyang ‘umiihip sa lusong.’

Naku Legislator from the Upper Chamber of Congress, ayaw ni Miss Juday niyan!

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

One thought on “Tago: Mambabatas, tahong naman ang pinuntirya

Leave a Reply

Your email address will not be published.