Tago: Lady solon, feeling model

Nakalimutan na yata ni Lady Solon ang mga rules and regulations ng Lower Chamber of the Philippine Congress. Kasi ba naman, tuwing dumarating siya para dumalo ng sesyon, F na F niyang inirarampa ang kanyang suot na sala naman sa dress code.

‘Yan ang hirit ng ating Chikadorang Miron matapos manmanan ng ilang araw ang ating bida lady solon. Ayon sa ating asset, marami na raw ang nakapapansin sa maling suot ng kongresista. Hirit nga ng iba,

Akala yata niya, eh, pupunta lang siya sa mall o kaya, eh, gigimik kasama ng kanyang mga friendly friends.

Sa dress code kasi ng ating pinagpipitaganang House of Reps of the Philippine Republic, dapat, eh, business attire o gown ang suot ng mga Eba, samantalang Barong Tagalog o Amerikana naman para sa mga Adonis.

Hirit pa ng mga miron, imposible raw namang hindi nage-gets ni Lady Solon ang kahulugan ng gown at business attire. Kaya ang kanilang unsolicited conclusion, baka raw nuknukan lang ng pasaway ang fashionistang lady solon. Minsan daw kasi, eh, seksing-seksi at hapit na hapit ang suot ni Lady Solon. Kulang na lang nga raw, eh, ilabas ang kanyang cleavage at pusod para tuluyan nang maakit ang mga barakong at ma-L na mga solons.

Speaking of “akit”, hindi kaya sinasadya niyang magsuot ng mga hapit para lang mabusog ang mga mata ng chikababe addicts ng Congress? O baka naman feeling model lang talaga siya na nagfafantasya na ang mga pasilyo ng Plenary ay isang malaking runway?

Hmmm…. Lady Solon from Visayas Region, observe proper dress code naman. Kaya nga kayo may dress code para kahit sa damit man lang, irespeto kayo ng madlang pipol!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.