Tago: Dusty the Legislator

Alikabok kung alikabok ang labanan kung ang opisina nang ating bidang mambabatas ang pagbabatayan, tiyak one of the strongest contenters ang ating bidang mambabatas na itago na natin sa pangalang Dusty the Legislator.

Based sa chikang nasagap ng ating feeling-bakasyunistang chikadora, ibang level na raw ng alikabok ang nase-sense ng mga utaw sa opisina ng ating bida. Kasabay ng pagtungo at pag-iling, nasabi na lang ng asset ng chikadora na ‘wala na talaga siyang pag-asa.’

Napag-alaman kasi ni Chikadora na superdust to the nth level ang alikabok sa ilalim ng lamesa si Dusty the Legislator.

Sa masalimuot pang pagkakalkal ng Chikadora, napag-alaman nitong ang guidebook na nagsisilbing Bibliya ng Kapulungang kinabibilangan niya, eh, hindi man lang nabubuklat dahil pwede mo nang isulat ang iyong pangalan sa kapal ng alikabok.

Mas nakumpirmang hindi nga nabubuklat ang naturang guidebook nang madiskubre ng mga tsismosang nakasuksok lang sa bulsa ni Dusty the Legislator ang naturang guidebook sa bawat pag-upo niya sa Session Hall.

Pero sa kabila nito, ‘andami pa ring babae ang humahabol sa kanyang makalaglag-panty itsura.

O siya, Mr. Dusty the Legislator, sana lang, kung gaano ka kaaksyon sa ibang larangan, sana, mas lalo ka pang maging ma-action sa pamamagitan ng kahit papaano’y pag-aaral ng bibliya ng inyong Kapulungan. In short, ‘wag na u iskul bukol!

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.