Tago (blind item): Legislator, signs attendance then leaves session

Sa paglalakwatsa ng Chikadora, napag-alaman nitong isang Mambabatas of our Beloved Philippine Islands ang nahihilig daw ngayong magbulakbol at maglakwatsa.

Sa kuwento ng mga mahadera, ‘always present’ daw sa rekord ang ating bida. Pero ang ipinagtataka ng kanyang mga kasama, paano magiging present ang ating bida, eh, hindi naman nila ito nakikita?!
Matapos ang mala-SOCO na pagsisiyasay, napag-alaman na nagiging hobby na raw pala ng mambabatas ang tumakas sa session hall pagkatapos mamarkahang ‘present’ sa attendance o roll call.

Para discreet at hindi naman masyadong halata ang kanyang pag-eskapo, may copyrighted tactic daw ang ating bida. Pagkatapos ng Pambansang Awit ng Pilipinas at ng Pambungad na Panalangin, super-kaway na lang siya sa Secretariat para magpalista. Pagkatapos nito, dahan-dahan at palihim raw siyang i-eskapo at saka isasagawa ang kanyang paglilibot.

Ang ipinagtataka ng madla, bakit nito yatang mga nakaraang buwan, eh, biglang naiba ang timpla ng mambabatas.

Mr. Mambabatas, paano na lang kung makarating ka na sa Malakanyang niyan?! Hmmm…mag-negosyo ka na lang kaya, pero make sure na hindi ka sasabit para naman ang energy mong magtrabaho, eh, to the nth limit. Watdyatink?!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.