Tagayan ng Barkada, Naging Madugo; 1 Dedo

NAUWI SA madugong kumprontasyon ang masayang inuman ng magkakabarkada na ikinamatay ng isa at malubhang ikinasugat ng isa pa matapos magkapikunan sa pagbibiruan habang nagtatagayan ng alak sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Christian Ramos, 22, binata, ng 117 Stotenberg St, Brgy. 57, ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang biktimang si Rainer Borja na kapit-bahay ng napatay na biktima ay kasalukuyang nakaratay sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi rin ng mga tama ng saksak sa katawan.

Nagsasagawa naman ngayon ang Caloocan PNP ng paghahanap laban sa mga suspek na nagngangalang Ramil Carpio alyas “Tato/Daga”; John Mariano alyas “Bugos”; at anim pang hindi nakikilalang suspek.

Base sa ulat ng nasabing himpilan ng pulisya, bandang alas-4:30 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente hindi kalayuan sa bahay ng dalawang biktima sa nasabing lugar.

Nabatid na bago umano maganap ang pananaksak, masayang nagtatagayan ng alak at nagpapalitan ng biro ang magkakabarkada nang bilang magkaroon magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawang biktima at mga suspek.

Habang nasa kainitan ng kanilang pagtatalo ay nagsibunot ng patalim sina Carpio at Mariano at pagkatapos ay pinag-uundayan ng saksak ang dalawang biktima na nagresulta sa pagkamatay ni Ramos at malubhang pagkakasugat kay Borja.

Ang biktimang si Borja ay mabilis na dinala sa nasabing pagamutan habang si Ramos ay hindi na nadala sa pagamutan at ang mga suspek ay nagkanya-kanyang nagsitakas.

(ROMAN MAGPOC) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.