Tagayan, inulan ng bala: 4 patay, 2 kritikal

APAT NA katao ang todas habang kritikal ang dalawa pa matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga grupo ng Avatar habang ang mga una ay nag-iinuman sa loob ng computer shop sa Malabon City kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan sina Oscar Ibo, 48 at JM Galvez; kapwa ng Gozon Compd., Tonsuya ng lungsod.

Dead on arrival naman sa Tondo Medical Center sanhi rin ng mga tama ng bala sa katawan sina Marco Ibo, 20; at Michael Manuel, 21 ng nasabing lugar.

Inoobserbahan naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan sina John Sin Rimando at Bernabe Rimando kapwa ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-4 ng umaga, nag-iinuman ang mga biktima na miyembro ng Bulabog Gang sa loob ng computer shop sa nasabing lugar nang dumating ang pitong miyembro ng avatar at pinaulanan ng mga bala ang mga una.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sina Rimando sa JRMMC.

(MARY H. SAPICO) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.