Tagalinis ng puntod, nasunog ang ari

NAGPAPAGALING SA pagamutan ang isang lalaki ma-tapos aksidenteng masunog ang ari nito habang naglilinis ng nitso.

Kinilala ang biktimang si Rechie Florez, 25-anyos, tagalinis ng nitso, may pamilya, at residente ng Dagohoy Paradise, Barangay North sa General Santos City.

Bigla umanong nagliyab ang katawan ng biktima matapos aksidenteng matapon ang garapon na mayroong laman na gasolina na umabot sa nakasinding kandila.

Ayon sa salaysay ng biktima, nakayuko ito habang naglilinis ng isang puntod sa Forest Lake Cemetery nang dumaan sa kanyang likuran ang isang kasama nito.

Hindi raw niya namalayan na nabangga pala ang container na pinaglagyan ng gasolina na ginagamit panglinis sa lapida, at biglang nagliyab kaya’t pati ang ari nito ay nalapnos sa sunog.

Samantala, mismong ang kaibigan ng biktima ang naghatid sa kanya sa ospital matapos kalahating katawan nito ang nadale ng apoy.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.