Taga Versus Boga: 1 Patay, 1 Sugatan

AGAD BINAWIAN ng buhay ang isang lalaking sibil-yan nang barilin ng isang retiradong pulis habang malaking taga sa leeg ang tinamo nito sa biktima makaraang mag-duwelo ang dalawa sa Brgy. Pantay Fatima, Vigan City.

Kinilala ni P/Supt.Maximo Taclas ang nasawing biktima na si Cresencio Arabe, nasa hustong gulang; habang sugatan naman si Mario Puruganan, retiradong pulis, at kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Dakong alas-4:00 ng hapon nang magkasalubong umano sa daan ang dalawa at walang sabi-sabing  nagsagupa sa hindi pa malamang kadahilanan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis, at ilang mga nakakita, nag-rumble pa umano ang dalawa hanggang nakarinig sila ng putok ng baril na ikinasawi ni Arabe, habang may taga naman ang leeg ng retiradong pulis.

May teorya naman ang mga pulis na posibleng may matandang alitan ang dalawa na nauwi sa matiding sagupaan sa nabanggit na barangay.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng mga pulis hingil sa naturang insidente.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.