Taga-gawa ng Pekeng Pera, Tiklo sa CDO

SINAMPAHAN NG kaso ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Bukidnon ang lalaki na kanilang nadakip na gumagawa ng mga pekeng pera sa may Barangay Lapasan Agora Cagayan de Oro City kamakailan.

Arestado ng CIDG ang suspek na si Procolo Gakusan, legal age at residente sa naturang lugar.

Sinabi ni Police C/Insp. Joseph Nando ng CIDG na nabawi nila sa posisyon ng salarin ang dalawang bundle ng pekeng dolyar, dalawang pekeng tag-P100, at 13 mga tag-P1,000.

Dagdag pa nito, matagal na nilang mino-monitor ang nasabing suspek hanggang ito’y kanilang naaresto.

Samantala, naniniwala  naman si Nando na miyembro ng organisadong grupo ang naturang suspek at naniniwala rin siyang mga makina o ekipo sila para sa paggawa ng mga pekeng pera.

Sa ngayon, kasong paglabag sa Article 168 of the Revised Penal Code ang isinasampa sa suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.