Tag-ulan, Umpisa na

TINATAYANG PAPASOK nang mas maaga ang panahon ng tag-ulan sa Pilipinas ngayong taon.

Ito ang pagtaya ng PAGASA, kasunod ng unti-unting pag-iral ng southwest monsoon o hanging habagat mula sa kanlurang bahagi ng bansa.

inabi ni forecaster Aldczar Aurelio na posibleng sa susunod na linggo ay mas madalas na ang maitalang mga pag-ulan na hudyat ng rainy season.

Kabilang sa mga apektado ng ulan ay ang hilagang Luzon, Palawan at Western Mindanao.

Sa kabilang dako, maaari pa rin umanong makapagtala ng mainit na panahon sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas hanggang ngayong weekend.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.