Tado, patay sa bus accident

From Tado’s Facebook

From Tado’s Facebook

Photo of the bus from Tado’s Instagram

Photo of the bus from Tado’s Instagram

KABILANG ANG komedyanteng si Tado, Arvin Jimenez sa toong buhay, sa 14 na kataong agad na namatay matapos mahulog sa isang bangin ang sinasakyan nilang bus papuntang Bontoc, Mountain Province, Biyernes (PebreroFebruary 7) ng umaga.

Sa ulat ng ABS-CBNnews.com, kinumpirma ni Sr. Inspector Benjamin Chaloy na kabilang si Tado sa 45 pasahero ng Florida bus (plate number TXT 872).

Ayon sa mga awtoridad, nahulog ang bus sa bangin na may lalim na 500 metro bandang alas-7:20 ng umaga.

Sa paunang report nitong Biyernes, hindi bababa sa 24 na katao ang sugatan, habang apat ang nawawala.

Dinala ang mga sugatang pasahero sa Bontoc General Hospital at sa Luis Hora Hospital.

Patuloy naman ang search and rescue operations sa iba pang pasahero. Iniimbestigahan na rin ng pulisya ang dahilan ng aksidente.

Samantala, noong Huwebes (Pebrero 6), nag-post pa si Tado sa kanyang Instagram ng litrato ng isang bus na papuntang Bontoc. May nakasulat ang caption na: “Long trip, as in trip trip.”

Sa facebook account ni Tado, ipinost ng isang kaibigan ni Tado na sa 14 na namatay (kabilang si Tado), kasama rin ang “isang canadian man at dutch woman..b4 xa namatay, nag-pots muna xa ng pic na nakahiga xa,tpos nka lagay na “south Or north /cemetery”.. pangitan kaya ung ganon”.

Sinabi naman ng isa ring kaibigan sa Fb ni Tado ang umano’y dahilan ng pagpunta ng komedyante sa Bontoc.

“RIP pareng TADO.. paakyat pala kayo ng butbut para magpa-batek/tattoo kay Apo Whang-Od..

Maligayang paglalakbay, kapatid. Padayon!”

 

By Danilo Jaime Flores

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.