Tacurong City, Pinasabog

KINUMPIRMA NG Philippine National Police (PNP) Region 12 na may naganap na pagsabog sa Tacurong City, Sultan Kudarat, pasado alas-7 kahapon ng umaga.

Sinabi ni Tacurong Police Chief Senior Superintendent George Tuson na nangyari ang pagsabog may limang metro lang ang layo sa lugar, kung saan nagkaroon ng car bomb noong isang taon habang dumadaan ang convoy ni Maguindanao Governor Toto Mangudadatu.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente, pero inaalam pa rin ang motibo sa pagpapasabog.

Inamin naman ni Tuson na matagal na silang nakatatanggap ng mga intelligent report na magkakaroon ng improvised explosive device (IED)attack sa nasabing lugar kaya nakaalerto sila.

Samantala, inaalam na rin kung may kaugnayan ang nangyaring pagsabog sa naitalang pagsabog sa Cagayan De Oro City at sa

Bangsamoro framework agreement ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.