Taas-Pasahe sa MRT, ‘Di Pa Aprubado

NILINAW NI Transportation Secretary Jun Abaya na hindi pa tuluyang naaaprubahan ang planong dagdag-singil sa pasahe ng Metro Rail Transit (MRT) 3.

Ayon kay Abaya, hindi pa maipatutupad sa Enero 1, 2013 ang planong P10 dagdag sa pasahe dahil patuloy pa itong pinag-aaralan ng naturang ahensya at iba pang sangay ng gobyerno.

Sinabi rin ni Abaya na bukas ang pamahalaan sa pagsasapribado ng MRT kung ito’y mas makakabuti sa mamamayan.

Gayunman, kaya na aniya itong pangasiwaan ng pamahalaan dahil maganda na ang credit rating nito sa ibang bansa.

Aminado ang opisyal na kaya hindi pa matiyak kung kailan maipapatupad ang fare increase dahil alam ng ahensya na maghahanap ng magandang serbisyo ang publiko.

Inamin din ni Abaya na hindi ganoon kadaling mapaganda at mapabilis ang serbisyo ng MRT lalo’t ilang taon na ang lumipas simula nang bilhin ito.

Samantala, bagama’t hindi magiging mabilis ang pagpapaganda ng sistema ay may ginagawa na aniya ang gobyerno na mga paraan upang mas maging maayos ang operasyon ng MRT.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.