TAAS-PASAHE SA LRT-MRT, SINALUBONG NG PROTESTA

SINALUBONG NG KILOS-PROTESTA ang unang araw ng public consultation na isinasagawa ng Department of Transportation and Communication (DOTC) para sa napipintong taas-pasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) kahapon ng umaga.

Ang kilos protesta ay pinangunahan ng militanteng grupo ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na pawang nakasuot ng T-shirt ng puti na may nakasulat na “No to LRT and MRT fare hike” at League of the Filipino Student (LFS) na nagsagawa ng programa sa MRT Santolan Station sa Pasig City.

Ayon kay Renato Reyes, secretary general ng BAYAN, may impormasyon silang natanggap na “moro-moro” na lamang ang isinasagawang public consultation dahil “done deal” na umano ang taas-pasahe sa LRT at MRT.

Tiniyak ni Reyes na mas malalaking kilos-protesta ang kani-lang gagawin sa susunod na mga araw para pigilan ang plano ng gobyernong fare hike sa LRT at MRT.

Ayon naman kay DOTC Undersecretary Dante Velasco, bibigyan nila ng importansiya at pakikinggan ang lahat ng tutol sa taas-pasahe at masusing pag-aaralan kung itutuloy o hindi ang nasabing planong fare hike.

Ayon pa kay Velasco, ang public consultation kahapon ay inilaan sa mga estudyante at ipagpapatuloy ngayong araw na ito para naman sa mga manggagawa.  (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.