Taal Volcano, 11 beses yumanig

 

NAKAPAGTALA ANG Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 11 pagyanig sa bilkang Taal sa nakalipas 24 oras.

Sinabi ng Phivolcs na bukod sa mga pagyanig, nakapagtala rin sila ng ilang pagbabago sa temperatura at physical condition ng paligid nito.

Mula sa init ng tubig na 32.6°C, umakyat ito ng bahagya sa 32.8°C, habang mula sa taas ng tubig na 1.14 meters ay umaabot na ito ngayon sa 1.21 meters.

Bahagya namang bu-

magsak ang acidity level nito na indikasyon ng pagbabago sa komposisyon ng tubig.

Maging ang carbon dioxide (CO2) emission sa main crater ng nasabing bulkan ay bahagya ring tumaas.

Gayunman, nananatili lamang sa alert level 1 ang ipinatutupad ng ahensiya habang patuloy na inoobserbahan ang Taal Volcano. (PARAZZI

REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.