Syotang Dalagita, Itinanan; Binatilyo, Pinadakip

PINADAKIP ANG isang binatilyo matapos itanan ang dalagitang syota sa Caloocan City kamakalawa.

Nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang suspek na edad 16 ng Maligaya St., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa ulat, noong nakalipas na Oktubre 26, inaya ng suspek ang biktimang edad 16 na magpunta sa kanilang bahay na sumama naman.

Hindi na pinauwi ng suspek ang biktima at kahapon ay nalaman ng mga magulang ng huli kung nasaan ito na na-

ging dahilan upang humingi ng tulong sa mga pulis.

Nang puntuhan ay nabawi ang biktima at sinabing noong nakalipas na Nobyembre 2, 2012 ay sapilitan siyang ginalaw ng suspek na naging dahilan upang sampahan ng kasong Rape ang binatilyo.

(MARY H. SAPICO)

 

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.