Syndicated estafa vs Globe Asiatique, ikinasa na ng DOJ

 

INIREKOMENDA NG DEPARTMENT of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong syndicated estafa laban sa Pangulo at Chief Executive Officer ng Globe Asiatique Realty and Holdings Corp. na si Delfin Lee at tatlo pang opisyal ng nasabing kumpanya dahil sa maanomalyang bentahan ng lupa at housing units.

Maliban kay Lee, kasamang kinasuhan ng syndicated estafa ang anak nito na si Delfin Lee, Jr., Globe Asiatique officers Christina Sagun, Cristina Salagan at ang empleyado ng Pag-IBIG Fund na si Alex Alvarez na kasabwat umano ng real estate developer.

Wala umanong inirekomendang piyansa ang DOJ para sa mga akusado at kung mapatutunayang nagkasala, parusang habambuhay na pagkakabi-langgo ang maaaring ipataw sa mga ito.

May probable cause para kasuhan sa korte ang mga nabanggit na indibidwal batay sa resolusyon ng DOJ panel sa pangunguna ni Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva, ang rekomendasyon ng panel ay inaprubahan naman ni Prosecutor General Claro Arellano.

Ang pagsasampa ng kaso sa grupo ni Lee ay bunsod ng P6.6 billion housing loan proceeds na nakuha nito sa Pag-IBIG para sa mga housing projects sa Pampanga.

Sa parehas namang re-solusyon ng DOJ ay pinawalang-sala naman nito sina Marvin Arevalo, Joan Borbon, Christian Cruz, Geraldine Fonclara, Tintin Fonclara, Ramon Palma Gil, Nannet Haguiling, Rod Macaspac, Rodolfo Malabanan,  Revelyn Reyes, John Tungol at Lerma Vitug. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.