Sylvia Sanchez, type na peg si Channing Tatum para sa anak na si Arjo Atayde

ANG GUSTO ni Sylvia Sanchez kung masusunod din lang naman siya ay maging peg ng career ng anak niya na si Arjo Atayde ay parang si Channing Tatum na from drama to sexy ay isa namang action hero sa latest box-office movie na White House Down.

Kaya naman ni Arjo kung gugustuhin niya. Napatunayan na rin naman niya na magaling siya sa drama na nagbigay sa kanya ng award sa nakaraang PMPC Star Awards for Television sa kanyang performance sa MKK sa “Bangka” episode.

Kung action naman, nakikitaan na rin naman si Arjo ng galing sa paghawak ng baril sa panghapong show ng Kapamilya Network na Dugong Buhay with Ejay Falcon.

Sa eksena na paghihiganti ni Ejay sa teleserye sa pamilya niya at gusto nitong lipulin ang kanyan angkan, makikita ang pagiging promising action star ni Arjo. Sa mga darating na araw, tila mahaba-haba ang eksena niyang makikipagtungalian with Ejay sa pagbaril at sa iba’t ibang stunts na kami man ay impressed sa development ni Arjo as an actor, lalo na physically ngayon na tuluy-tuloy ang kanyang pagdyi-gym.

Sa pagiging sexy ni Arjo, subukan mo siyang hubaran at ang abs na nagsisimulang umumbok ay makikita mo.

I just don’t know kung ang pangarap ng ina niya na magpaka-Channing Tatum si Arjo (in sexy trunks and striptease performance like in the film Magic Mike) ay keri niya. Ewan ko lang kung papayagan siya ng mas machong ama niyang si Papa Art na magpaka-seksi.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Sylvia Sanchez, type na peg si Channing Tatum para sa anak na si Arjo Atayde

  1. Mukhang DAKILA si Arjo. Ano kaya ang size ng brief niya? tight-fitting ba o medyo maluwag infront.

Leave a Reply

Your email address will not be published.