Sylvia Sanchez, ‘Super D’ nila ng mga anak ang asawang si Art Atayde

Sylvia Sanchez with Husband Art Atayde

Sylvia Sanchez with Husband Art Atayde

Happy ang aktres na si Sylvia Sanchez at hindi siya nawawalan nang trabaho sa Kapamilya Network.

Mula sa “Be Careful with My Heart” na bida sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, na role ng isang nanay nina Jodi at Aiza Seguerra ang ginagampanan ng aktres na nakilala bilang si Nanay Teresita; ang latest ay ang seryeng pampa-good vibes sa umaga na “Ningning” na bida ang mabait at positibong si Ningning played by Jana Agoncillo at si Ibyang (palayaw ni Sylvia Sanchez sa mga showbiz friends niya) naman, role ng isang mabait na lola ni Ningning ang ginampanan niya.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa magandang biyaya at hindi siya nakalilimutan ng ABS-CBN at palaging kinu-consider sa roles ng teleseryes nila.

Sa pagsisimula ng bagong pambatang pantaseryeng “My Super D” mamaya sa Kapamiliya Primetime Bida bago mag-TV Patrol, isang magandang role na naman ang madidiskubre ng mga manonood at supporter ng aktres where she plays mabait at maintindihing ina ng bagong Pinoy Super Hero ng mga bata na si Super D (as in Dondong) na ginagampanan ni Dominic Ochoa.

“After watching the first five episodes namin, sabi ko, goldmine na naman ito para sa ABS-CBN, dahil ang mga bata, may susundan na naman silang super hero. ‘Di ba ang Juan dela Cruz ni Coco (Martin) noon naging super hit dahil sa mga bata na naging idol nila si Juan? Maging ang bunso kong si Xavi, naging idol din niya si Juan dela Cruz. Kaya nga sa bagong super hero na si Super D, alam kong magkakaroon na

naman ng cult following ang karakter ni Dom,” kuwento ni Ibyang.

Sa katunayan, paniwala ni Sylvia, all of us may mga sari-sariling “Super D” sa mga buhay natin.

“Si Art (Atayde na mister ng aktres), siya ang Super D ng mga anak ko. Idol siya nina Arjo, Ria, Gela at ng bunso namin,” pagmamalaki ni Ibyang sa mister.

In fairness, after watching last Friday’s advance screening, tama ang punto de bista ng aktres na may bagong super hero ang mga batang manonood ng “My Super D”. Kaya sina Superman at Captain America, at Spiderman, tumabi-tabi muna.

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.