Sylvia Sanchez, sobra-sobra ang pasasalamat kina Direk Peque Gallaga, Direk Lore Reyes, at Tita Angge

Sylvia-Sanchez-Peque-Gallaga-Lore-Reyes-Tita-AnggeISANG ESPESYAL na dinner sa kanyang tahanan ang inihanda ng mahusay na aktres na si Sylvia Sanchez, kung saan inimbitahan nito sina Direk Peque Gallaga, Direk Lore Reyes, at Tita Angge na labis-labis ang kanyang pasasalamat dahil na rin sa mga tulong at pagmamahal ng mga ito sa kanya sa showbiz.
Tsika nga ni Ms. Sylvia sa kanyang post sa Facebook, “After so many years of ups and downs in my life and within the showbi industry, I find that it is the time to show my gratitude to the three people who have helped me become the person who I am today.
“I am much be grateful to these 3 people who have served as my fathers and mother in the industry. Thank you for having discovered me as an actress, Direk Peque and Direk Lore. And Thank you Tita A (Angge ), for helping me through. I am trully blessed to have you 3 in my life.
“Hopefully we have more dinners and long conversations to come. Iam eternally grateful and I love you 3 dearly.”
Dadag pa ni Ms. Sylvia, “Hi Tito Direk Lore Reyes, happy lang po, narating kong mga pangarap ko nang dahil sa inyong dalawa ni Tito Direk Peque Gallaga, forever grateful!!”

Teejay-MarquezTeejay Marquez, isa nang Gawad Kabataan ambassador

NAGBAGONG-BIHIS ANG award-winning teen show na napapanood sa YouTube through Celebrity Channel, ang Gawad Kabataan, Pilipinas.
Dahil bukod sa iba pang Gawad Kabataan ambassadors, sasamahan na rin ito ng pinakabagong Gawad Kabataan ambassador na si Teejay Marquez na napapanood sa ABS-CBN’s Dream Dad.
Bukod kay Teejay, makakasama na rin bilang correspondents sa Gawad Kabataan, Pilipinas ang mga Internet Royalties na sina Angelica, Chester, Prince, at Rain.

 

Joel-CruzJoel Cruz, birthday wish ang maunlad na negosyo

ISANG BONGGANG birthday celebration ang magaganap sa February 5, 2015 sa pagseselebra ng kaarawan ng tinaguriang Lord of Scents na si Sir Joel Cruz na dadaluhan ng kanyang pamilya, malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz, at ng kanyang mga endorser.
Pero bago sumapit ang kaarawan ng CEO/President ng Aficionado Germany Perfumes, “Papunta ako ng Baguio, taping for Powerhouse. Baka January 28 or 29 ang labas niya. Kinunan ang condo… Tagaytay and Baguio.”
Wish daw ni Sir Joel sa kanyang darating na kaarawan ang magkaroon ng magandang pangangatawan, sampu ng kanyang pamilya at dalawang anak na sina Prince at Princess.
At ang magpatuloy raw ang pag-unlad ng kanyang mga negosyo nang sa ganu’n ay mas marami pa siyang mga kababayan natin ang mabigyan ng trabaho.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.