SYLVIA SANCHEZ MAY BAGONG NEGOSYO

Sylvia Sanchez

HINDI PA MAN nagtatagal sa kanyang pagkawala sa telebiyon ay hinahanap-hanap na ng aktres na si Sylvia Sanchez ng kanyang mga fans.

Ang last teleserye ni Ibyang (palayaw ng aktres) ay ang panghapon na “Hanggang Saan” kung saan kasama niya ang anak na si Arjo Atayde.

Sa pagkawala niya sa mga eksena sa telebisyon ay nagawa naman ng aktres ang ibang mga dapat niya pagkaabalahan bilang isang nanay at asawa nina Arjo , Ria, Gela at Xavi at sa mister na si Papa Art.         

Mas may panahon siya maging plain housewife and mom sa kanila na in between her ‘homeworks’ ay pinasok na rin niya pagne-negosyo ng ini-endorsong Beautiderm.

Sa Butuan City in Mindanao, nagbukas ng sariling niyang franchise outlet ang aktres with daughter Ria and some non-showbiz friends. Last weekend, bumisita sina Ibyang wih other endorsers sa Cabanatuan City.

Sa katunayan, pagdating sa negosyo, hand-on si Ibyang mula sa disenyo at pagpili ng materials sa construction ng kanyang unang beauty business.         

Sa ngayon, Ie-enjoy muna niya ang kanyang bakasyon mula sa harap ng kamera dahil sa 2019 pa siya magbabalik-telebisyon.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.