Sylvia Sanchez, ‘di raw stage mother sa mga anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde

Sylvia-Sanchez-Ria-Atayde“HINDI AKO stage mother sa mga anak ko, nand’yan lang ako sa tabi nila to guide them.” Ito ang pahayag ng award-winning Actress na si Ms. Sylvia Sanchez kaugnay sa isyung stage mother siya ng kanyang dalawang anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde.
Dagdag pa ni Ms. Sylvia, “Hinahayaan ko silang gawin ‘yung gusto nilang gawin pagdating sa pag-arte at sa kanilang career para matuto sila at mas maging natural ‘yung kanilang pag-arte. Malalaki na naman sila at pinapayuhan ko lang sila na dapat alam nila ang tama at mali. Basta ako at ang daddy nila (Sir Art Atayde), laging nand’yan lang sa tabi nila para suportahan sila.
Very proud mother nga raw si Ms. Sylvia sa kanyang dalawang anak dahil sa magagandang review sa acting ng mga ito sa mga proyektong ginagawa nila, lalo na si Ria na bago pa lang sa showbiz.
Marami nga ang nagsasabing namana nina Arjo at Ria ang husay umarte sa kanilang Mommy Sylvia na isa sa maituturing na magaling na aktres sa bansa.

Shaun-SalvadorShaun Salvador, wala nang mahihiling pa sa kanyang birthday

WALA NA raw mahihiling pa sa kanyang kaarawan ang isa sa ParangNormal Activity main cast na si Shaun Salvador sa kanyang kaarawan last September 6.
Tsika nga ng 17 years old guwapitong Tsinito, “Wala na po siguro akong mahihiling sa kaarawan ko. Bukod kasi sa pagkakaroon ko ng very supportive parents, okey naman po ‘yung career ko. Siguro kung may hihilingin ako, siguro po ‘yung maging healthy lang ako at ang buo kong pamilya. Sana lagi kaming gabayan ni Lord, lalo na ‘yung daddy ko, kasi malayo siya sa amin dahil sa Amerika siya nagtatrabaho.”
Mas pinili na lang daw mag-celebrate ni Shaun ng kanyang kaarawan sa taping ng ParangNormal Activity at nag-dinner lang daw sila ng mommy at ate niya.

Jay-GonzagaModel-actor Jay Gonzaga, nakalilimutang kumain dahil kay Yaya Dub

GANDANG-GANDA RAW ang Headway Vera Salon ambassador at model-actor na si Jay Gonzaga sa itinuturing na woman of the hour na si Maine Mendoza aka Yaya Dub.
Tsika nga ng guwapo at hunk actor nang makausap namin through Sir Mikhail Hirang (owner ng Headway Vera Salon), sa mismong Headway Vera Salon Tomas Morato branch, “Nagagandahan ako kay Maine kasi napakasimple niya, napakainosente. Kung ano’ng nakikita mo sa kanya sa TV, siyang-siya ‘yun. Kaya naman siguro maraming mga kalalakihan ang humahanga sa kanya ngayon, at isa na ako roon. Hahaha!
“Kaya nga everyday, pinanonood ko ang kalyeserye para makita siya. Minsan nga, nakalilimutan kong kumain para makapanood. Hahaha!
“Phenomenal nga ‘yung kasikatan nila ngayon ni Alden Richards. Biruin mo almost 5.8 million ‘yung retweets na nakuha nila nu’ng Saturday.”
Wish nga ni Jay na makita niya nang personal si Maine at makasama sa isang proyekto. Sa ngayon nga raw, napanonood si Jay sa ABS-CBN Wansapanataym at kagagaling lang niya ng Qatar, kung saan nagkaroon ito ng gig doon for four days kasama ang iba pang celebrities.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articlePinoy Parazzi Vol 8 Issue 110 September 09 – 10, 2015
Next articleAnnabelle Rama, palamunin lang daw ni Ruffa Gutierrez ang BF

No posts to display