Sylvia Sanchez, aminadong nahihingahan ng problema ni Claudine Barretto

CHARACTER ACTRESS SYLVIA Sanchez considers herself really blessed!

Kahit na kasi naudlot na ang pagtagal ng kanyang soap sa GMA-7 na Iglot na pinagbibidahan ni Claudine Barretto kasama ang child wonder na si Milkca Wynne Nacion, agad-agad na may pumasok na proyekto kay Sylvia, sa Kapamilya network, ang Mundo Man ay Magunaw na pagbibidahan ni Empress Schuck.

Actually, hindi naman kelangang kabahan ni Sylvia kung hindi man maging ganoon kadalas ang dating ng proyekto niya sa TV man o sa pelikula. Dahil batid naman ng marami na happily married siya kay Art Atayde kasama ang kanilang apat na supling.

“Pero, hindi naman kasi ako ‘yung tipo ng asawa na kuntento na nasa bahay lang. At aasa na lang sa ibibigay ng asawa ko. Eh, pangarap ko naman talaga ang mag-artista kaya sa bagay na ito eh, sinusuportahan pa rin niya ako. Basta ang rule ko lang sa trabaho ko, never on a Sunday. Dahil ‘yun ang time na nakakapagsama-sama kaming lahat. Church, lunch or dinner. Bihira lang ‘yung may trabaho ako ng Linggo at kung magkaroon definitely, by lunch kailangang tapos ang eksena ko.”

May pansagot actually si Sylvia kung sakaling may natatapos siyang proyekto. Ito eh, ang kanyang TJ’s Resto (na dating nasa Greenhills) at noong 11-11-11 eh, binuksan sa bago nitong puwesto sa corner ng Sct. Bayoran at Sgt. Esguerra sa Kyusi.

Naging kaibigan pala ni Sylvia ang naging controversial na aktres na si Claudine Barretto. At sinabi naman ni Sylvia na nagkakahingahan naman sila ng mga emote nito. ‘Yun nga lang, dahil ipinagkatiwala ‘yun sa kanya, hindi naman daw niya puwedeng i-detalye. Pero nahinuha naming pawang may kinalaman sa buhay may-asawa ang nagiging paksa ng tsikahan nila.

Hindi naman kaila kasi na ilang mga pangalan ang sumulpot na iniuugnay kay Claudine. At isa na rito si Charlie Atong Ang. Nang tanungin si Sylvia tungkol sa nasabing isyu, dahil kaibigan din ng kanyang mister na si Art ito at lagi ring bisita sa kanilang TJ’s Resto, nagulat lang si Sylvia.

“Naku, ha? Wala akong alam d’yan. Sige, sila ang tanungin n’yo!”

 

VERY SOON, AABANGAN na naman ang pagdadagdag ng builder of stars na si Kuya Germs (German Moreno) sa kanyang Walk of Fame sa Eastwood sa Disyembre.

At ang isang nag-share ng kanyang katuwaan sa Facebook hinggil sa nasabing okasyon eh, walang iba kundi ang butihing ina ng yumaong aktor na si Mico Sotto, na si Ali.

“Kuya Germs was the bearer of good news. Our son Miko Sotto will get his own star in the Walk of Fame! This is for his legacy as poster boy of cornea donation. God is so good!!!”

 

KUNG MAY MGA pinag-iinitang mga billboards within the metropolis, nakakadagdag ngayon ng saya ang billboard ng bunso ng Queen of All Media na si Kris Aquino, na si Bimby. Ito pala ang latest endorser ng isang clothing brand.

Tinanong ko si Kris kung ano ang nagiging reaksyon ng bagets niya sa tinatamasa nitong kasikatan sa ngayon, mula sa endorsements, hanggang sa mga nakikita sa mga magazines at ngayon nga eh, sa billboard.

“Hi Tita Pilar! I really make sure na nakaapak sa lupa si Bimb and won’t be ‘feeling’.”

Sa mga larawan ngang ipinalabas ng clothing brand, para sa mga kabataang mula edad 2-14, kitang-kita kung paanong enjoy na enjoy si Bimby sa pag-e-emote niya sa sari-saring poses donning several outfits na bagay para sa kanyang edad.

At halatang marunong na talagang makipaglaro sa camera ang bagets!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

One thought on “Sylvia Sanchez, aminadong nahihingahan ng problema ni Claudine Barretto

Leave a Reply

Your email address will not be published.