Swedish National na Miyembro ng Malaking Drug Syndicate, Arestado

KINUMPIRMA NI PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac na miyembro ng isang trans-national drug trafficking syndicate ang naarestong Swedish national na nakuhanan ng 1 kilo na Shabu na nagkakahalaga ng limang milyong piso sa inilunsad na buy bust operation ng ahensya sa Parañaque City.

Ayon kay Cadcac, ang grupo ni Bjarne Schelin, ang nagsisilbing local distributor ng Shabu mula sa kanilang mga sources na bansa gaya ng Thailand, China, Laos, Cambodia, Myanmar at Malaysia.

Sinabi pa ni Cacdac si Bjarne Schelin na 65-anyos, ay retiradong marine engineer na nakapag-asawa ng Pilipina at kasalukuyang nakatira sa nasabing lungsod.

Nabatid naman na 25 na taon nang nakatira sa bansa si Schelin at miyembro ng mala-

king sindikato ng droga na nag-ooperate dito sa bansa.

Sa ngayon, nakatakda nang sampahan ng kaso sa korte ang naarestong Swedish national.

Nagpasalamant naman si Cacdac sa naging tulong ng PAOCC at PNP sa ahensya partikular sa kampanya laban sa iligal na droga.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.