Swak na Mapangasawa ni James Yap… ISABEL OLI, MAHILIG SA MGA BATA!

SIMPLENG TAO LANG naman si Isabel Oli, kaya mas pinagtutuunan niya ng atensiyon ang maging abala sa kanyang mga trabaho kesa ang makipagkumpitensiya at makipagpatalbugan sa ibang artista para mapansin sa showbiz.  Mahalaga sa kanya ang katahimikan, kaya iwas na iwas siya sa intriga. Tulad ng pag-iwas niya sa lumalim na isyu sa kanilang tatlo nina James Yap at Kris Aquino.

Aware si Isabel na sa ngayon ang paboritong itanong sa kanya ay kung ano ang real score sa kanilang dalawa ng dating asawa ni Kris.  Consistent sila ng daddy ni Baby James sa pagsasabing magkaibigan lang sila, dahil dati na silang magkakilala.  Walang kumokontra kina Isabel at James kung sa darating na panahon ay umamin na rin silang dalawa.  Kasi nga, bagay na bagay sila!

Nagparating na si Kris ng salita na sana kung  sino man ang susunod na baba-eng makakarelasyon ni James, ang gusto lang niya ay mamahalin din si Bimby.  Sa puntong ‘yan, kung si Isabel nga ‘yon, makakaasa si Tetay na matutupad ang wish niya.  Kuwento kasi sa akin ni Manay Lolit Solis, si Isabel daw ay mabait sa mga bata.  Kaya raw boto sa dalaga noon ang mga magulang ng ex-boyfriend nitong si Paolo Contis, dahil ang isa sa nakakaaliw na katangian ng aktres ay nakikipaglaro siya noon sa mga batang pamangkin ni Contis.

NAPAKAHIRAP NAMAN SIYEMPRE para kay Rayver Cruz ang magsalita ngayon tungkol sa isyu ng bangayan nina Cristine Reyes at Sarah Geronimo.  Una sa lahat, hindi siya madaldal na lalaki at hindi siya kumportable na magkuwento tungkol sa mas malalim pang detalye para sa ikalilinaw ng lahat, lalo na kung mayroong mga taong masasagasaan sa bawat kampo ng mga babaeng nagkaroon ng kaugnayan sa kanya noon at ngayon.

Kahit hindi naging maganda ang hiwalayan nila ni Sarah, marunong rumespeto si Rayver sa mga magulang ng Pop Princess.  Nasaktan man ang binata sa mga pangyayari, hindi niya pupuwedeng burahin ang karapatan ng mga magulang ng singer-actress tungkol sa mga desisyong pangpamilya na sobra ding pinahahalagahan ng bida sa pelikulang Catch Me… I’m In Love ng Star Cinema.  Ayaw na ni Rayver ng gulo, kaya kahit iniintriga siyang duwag ay mas pinipili na lang niya ang manahimik.

Parang naiipit si Rayver sa sitwasyon, dahil dalawang babaeng minahal niya ang kontrobersiyal na pinag-uusapan.  Pero hindi matatanggap ng binata ang intrigang kaya siya nananahimik ay dahil enjoy siya na dalawang sikat na artista ang nagkaintrigahan dahil sa kanya.  Hindi ‘yon ipinagmamalaki ng aktor, dahil hindi siya mayabang na tao.

Hangad na rin ni Rayver na matapos na ang kontrobersiya dahil happy na talaga siya ngayon sa relasyon nila ni Cristine.  Masaya nga naman ang relasyong naipagsisigawan ng dalawang nagmamahalan, kumpara sa relasyong hindi puwedeng aminin.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.