Suzuki Sadatsugu, ‘di lang puwet pati harapan dinakma ni Mr. Fu!

John’s Point
by John Fontanilla

AFTER LUMABAS SA Pinoy Parazzi ang intriga tungkol sa panghihipo ng puwet ng DJ/ host/ comedian na si Mr. Fu sa mga kasamahan nitong lalaki sa PO5, isang tawag ang natanggap namin mula sa controversial hunk na si Suzuki Sadatsugu na nagpatotoo sa sinulat namin.

Ayon kay Suzuki, kahit daw siya ay nakatikim din ng pambabastos kay Mr. Fu noong magkasama pa sila sa Tweetbiz sa QTV11, kung saan hindi lang daw puwet kundi maging harapan niya ang pasimple at bigla-bigla nitong hinahawakan, sabay sabi daw ng “Me ganon!”.

Dagdag pa ni Suzuki na noong una raw, puwet lang ang hinahawakan sa kanya ni Mr. Fu, na iniisip na lang nitong biro lang. Pero nang tumagal-tagal, ang harapan naman niya ang bigla-bigla na lang tina-touch ni Mr. Fu na ikinagulat na nito. Kaya naman daw siya na ang umiiwas sa DJ/ host/ comedian kapag nasa set sila, dahil baka mahipuan na naman siya. At baka raw ‘pag hinipuan ulit siya ni Mr. Fu nang ‘di niya alam, bigla na lang niya itong masapak.

Nakaloloka naman pala itong si Mr. Fu, dahil mukhang matagal na yata nitong hobby ang panghihipo. Mula pa pala sa QTV11, ganu’n na siya. Kaya naman paglipat niya ng TV5 ay dala-dala na niya ang gawaing manghipo.

After Suzuki, sino naman kaya ang aamin pa na nahipuan din ni Mr. Fu? Well, ‘yan ang aabangan natin!

BLIND ITEM: SINO naman itong young actor na katas ng reality-based artista search na dahil sa kawalan ng career ay nagawang pumasok sa pagbebenta ng aliw sa mga mayayamang bading sa halagang 10K hanggang 20K para lang may panustos sa kanyang luho sa katawan, lalo na’t galing sa hirap at nang maging artista lang nakatikim ng ginhawa sa buhay?

‘Yun nga lang at hindi naging mautak ang bagets actor na ito dahil imbes na ipunin ang kanyang nakukuhang pera sa mga parokyanong bading, itinutustos pa niya ito sa kanyang bisyo – ang pagdodroga. Kaya ang ending, lagi itong walang pera.

Kaya naman daw bukod sa pagbebenta ng sarili ay pinasok na rin nito ang pambubugaw, kung saan ang kanyang mga kaibigan mula sa reality-based artista search naman ang kanyang ipinakikilala at ibinu-book sa mayayamang bading. Kaya naman daw kahit walang project sa ngayon si bagets star ay kaya nitong suportahan ang luho sa buhay. ‘Yun na!

MARAMI ANG NAKAPAPANSIN na bagay magkatambal ang dalawa sa GMA-7’s Tween Stars na sina Kristoffer Martin (Tween Hearts) at Krystal Reyes (Bantatay). Maganda raw ang kumbinasyon ng mga ito na parehong may maamong mukha at magaling umarte.

Tsika pa nga ng isang kapatid sa panulat na bakit hindi na lang si Krystal at si Kristoffer ang gawing magka-loveteam lalo na’t tuluyan na nga itong iniwan ng kanyang original loveteam na si Kathryn Bernardo na bumalik na sa ABS-CBN, habang wala pa namang ka-loveteam si Krystal.

Bakit hindi nga raw subukan ang tandem ng dalawa sa Bantatay para makita kung magki-click ang loveteam ng mga ito at ma-dagdagan pa ang inaabangan at hinahangaang loveteam sa GMA-7 sa linya nina Marian at Dingdong, Carla at Geoff, Barbie at Joshua at ang tambalang Bea at Jhake.

Lalo na’t aminado naman ang mga ito na crush nila ang isa’t isa. Kaya naman hindi mahirap na pagtambalin ang mga ito, dahil sa kusang lalabas ang sweetness ng dalawa na tila may nararamdaman naman para sa isa’t isa.

loading...

3 thoughts on “Suzuki Sadatsugu, ‘di lang puwet pati harapan dinakma ni Mr. Fu!

  1. magtaka ka kong si lucy torres ang dinakma nya sa harapan… pag bakla bakla tlaga asa ka pa.. selosang writer na to hahahha di maka move on kay FU.. gusto mo mag FUkFUkan na lng kayo sa ulo hahahahha..

Leave a Reply

Your email address will not be published.