Suzette Ranillo, sinisira ang career ni Nora Aunor?!

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!!! Yes na yes! Mapapa-‘no’ kaya kayo sa mga chikkang pag-uusapan natin ngayon?

At siyempre, nakakawindang ang mga eksena nitong si Suzette Ranillo na talaga namang ang mga bali-balita, siya raw ngayon ang sumisira sa career ng Ate Guy n’yo. Na talaga namang siya rin daw ang dahilan kaya raw kumakalat ngayon na tinatamad na namang magtrabaho si Nora Aunor, dahil dumating nga si John Rendez, sa shoot ng El Presidente.

Pero ang eksena nitong si Suzette daw ay bali-balitang pinagtatalunan nila ni Kuya Germs ang mga kinikita ngayon ng Superstar, at talaga naman ang masasabi ko ay para sa ‘kin mukhang hindi naman gagawin ni Kuya Germs ‘yun. Dahil ang mga iniisip lang niya ay ang kapakanan ni Ate Guy at ang maging magandang impluwensiya.

Kaya nga mismong si Kuya Germs na ang nagsabi na si Lala Aunor na lang ang hu-mawak ng schedule ni Ate Guy, para walang conflict. Kaya siguro nasabi ni Suzette, wala raw siyang pakialam kay Nora dahil si Kuya Germs pa ang manager ni ate guy. Naku, ha?! Masamang pangitain ‘yan!!!

AT HETO NAMAN ang chikkang nakakawindang talaga. Kina-career daw ni Gabby Concepcion si Vicki Belo. Naku, ha?!

How true kaya itong chismax na ito na talaga namang nakakaasiwa. Sa dinami-rami naman ng kakaririn nitong ni Gabby, bakit naman si Vicki Belo pa?

Mukhang marami ang mawiwindang dito. Bakit naman lahat ng eksena, papasukan ni Dra. Belo para pag-usapan muli siya, dahil mukhang hindi na yata siya talaga nag-click. Mas marami na kasi ang kumakabog sa kanya at mukha rin naman kasing mas marami pang mas bago ngayon kesa sa kanya, ‘di ba? Haha! Effective!!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino kaya itong actress na ito na talaga namang nakakaloka?! Sobrang ibang-iba na raw, lalo na ‘pag nakikihalubilo sa mga kapwa niya artista, kaya tuloy ‘yung mga artista na nakasasama niya nga-yon, natatakot na sa kanya dahil nga iba na raw talaga ang ugali niya. Naku, ha?

Ayan nakakawindang. Parang nakakatakot nang lapitan. Hahaha! Sino siya? Pak! Kaloka! Haha!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

11 thoughts on “Suzette Ranillo, sinisira ang career ni Nora Aunor?!

  1. TITA SWARDING IPAGPATULOY MO NA GAWING NATIONAL ARTISTS SI MS NORA AUNOR ANG ATING NAGIISANG SUPERSTAR. PATULOY NATING PANOORIN ANG SA NGALAN NG INA AT BILHIN ANG YES MAGS, STAR STUDIO AT THE BUZZ MAGAZINES NA SIYA ANG COVER. PURO MAGAGANDANG PICTURES AT TRUE STORIES NG HALOS 5 DEKADA NG KANYANG NINGNING BILAG NAGIISANG SUPERSTAR NG PELIKULANG PILIPINO. MABUHAY KA MS NORA AUNOR.. WE LOVE YOU. BUONG PAMILYA NAMIN SUPORTADO KA..INGAT LAGI SA MGA TAONG HUNYANO AT TRAYDOR KAMUKHA NI LALA AUNOR AT CRISPY LUCIfermin…

  2. At Ferdie, kung ganuun, salamat at ngayon nakahanap na si Guy ng mabuting Manager, I’m sure Kuya Germs will take very good care of her, kasi hindi ito uhaw ng pera dahil mayaman na ito. Dapat sundan na talaga ni Ate Guy si Kuya Germs at kailangan na talaga nyang baguhin ang ugali nya at kailangan wala na yong late arrival sa set. Magaling pa naman siyang artista, sana hindi na nya sayangin pa itong second chance sa kanyang career.

  3. Bago kayo magtalo sa kung sino ang talagang manager ni Ate Guy, gusto ko lang ipaalam sa inyo na si Kuya Germs ang sinabihan ni Ate Guy na magiging manager niya. Kay Ate Guy mismo nanggaling ito. Pinapirma pa ni Guy si Kuya Germs sa isang kasunduan na pirmado ng abugado. Kaya yung mgaa nagsasabing magulo si Ate Guy, isang malaking HELLOOOO! Dakdak kasi kayo ng dakdak, hindi naman ninyo alam ang katotohanan. Kayo ang mga tanga, hindi si Ate Guy.

  4. Kailangan talaga ni Ms. Aunor na magaling na Manager na hindi kurakot at yong honest sa kanya. Hindi si Suzette Ranillo ang kunin nyang Manager, si Kuya Germs ang dapat Manager nya kasi daming kilalang mga malalaking tao at respected ito ng mga malalaking tao at dami nang natulungan itong si Kuya Germs sa showbiz. Ms. Aunor will be in good hands with Kuya Germs. Noong wala siyang pera, si Kuya Germs ang palaging tumutulong sa kanya at hindi ito naghangad pa ng kabayaran. Naalala ko yong ini interview si Ms. Aunor many years back at nakuwento nito about sa ibang taong walang hangad kundi gamitin lang sya at ginagamit lang sya. Ang showbiz kasi ay isa lang ang hangad, PERA at POPULARITY kaya ang iba dyan wala nang konsensya at tinatapakan na yong ibang tao, PERA na lang kasi ang sinasanta. Di ba Crispy, Lolita, Anabela at sino pa ba sila?

  5. ang dami kasing pumapapel ehhh…nareaized ko tuloy na mabait talaga si nora at oo lang ng oo..pero san ginagawa niya yung in-oo-han niya dava?

  6. Agree ako sa ibang comments dito, I like Nora Aunor pero she really is scattered brain, walang discipline sa sarili at walang self confidence, madali lang masulsulan sa ibang tao, Kay yon, sa daming pera noon, ngayon bumalik na naman sa pagkapulubi, Nagpasalamat siya at si Govl ER tinulungan sya makabangon ulit. She should not listen to Cristy Fermin who used to badmouthed her constantly before she arrived sa Pinas, ngayon, Cristy is all swweet and nice to her. Binablind item pa nga nya si La Aunor noon, oh my gosh!!! what a devil and now she’s so nice to La Aunor. Kung pinahalagaan pa sana ni Ms. Aunor ang kayaman nya noon, hindi na sana sya magtrabaho pa ng maigi ngayon, nakapagretire na sana sya at hindi pa nasira ang pangalan nya. Ang ibang mga ka batch nya, ngayon financially secured na. Sana mag-isip isip na itong si Ms. Aunor who to trust and sinong dapat pakinggan, she should listen to Kuya Germs all the time kasi Kuya Germs has nothing but sincere interests for her only, walang iniexpect in return si Kuya Germs kasi mayaman na ito. Ano ba ang nangyayari sa mukha ni Suzzette, napakaganda nito noon ah??? Hard life????? Di ba Aunt ito ni Krista? What do you think Jinkyeeeee!!!!

  7. as always, ung mga taong kunwari nagmamalasakit sa Superstar , sila rin ang sisira sa kanyang image. as early as now, dapat magkaroon na ng kontrata kung sinuman ang mapili ni Ms. Aunor na magmanage ng career nya, hindi puwede ung gusto ni kuya germs at suzette na magkanya2 sila ng negosasyon at pag may naipit na project, si Nora ang magsasuffer

  8. dahil tanga si nora at hindi marunong humawak ng pera at nalulon pa cya sa masamang bisyo. kung matalino siya, mas mayaman na cya kaysa kay Vilma. 

  9. Dahil she doesn’t know how to manage herself… besides birds of the same feathers flock together… hehehe!

Leave a Reply

Your email address will not be published.