SUV, Tumagilid sa Flyover sa Makati

ISANG SPORTS utility vehicle (SUV) ang tumagilid sa Buendia flyover malapit sa Osmeña Highway sa Makati City.

Ayon sa salaysay ng SUV driver at pilotong si Gino Fabis, galing siya sa Manila area at patungo na sanang airport nang mabuluga sa nakahintong truck sa gitnang bahagi ng flyover.

Dito na bahagyang bumangga ang SUV sa truck at nawalan umano si Fabis ng kontrol sa sasakyan, dahilan para tumagilid ito.

Sumalpok sa center island ng flyover ang SUV at tumawid pa sa kabilang bahagi nito.

Samantala, masuwerte namang hindi nasaktan ang driver ng SUV dahil nagawa niyang makalabas kaagad ng sasakyan.

Sinasabing tumakas kaagad ang truck na na-ging dahilan ng aksidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.