SUSUOTIN DIN PALA: BEAUTY QUEEN-ACTRESS, NAG-INARTE SA WARDROBE!

BLIND ITEM: NALOKA ang wardrobe department ng isang TV production sa isang beauty queen-actress. Napakaarte raw pala nito. Role ng isang mahirap ang gagampanan ng hitad sa isang once a week drama anthology ng isang network. Siyempre, mga daster ang dapat niyang suotin.

Nang sabihan ang beauty queen-actress na merong mga daster ang wardrobe department ay medyo natuwa naman ito. Kaya lang, mukhang hindi nakapasa sa panlasa ng aktres ang mga damit. Ang una ba naman nitong tanong ay “Nasaan ang price tag nito?”

Naloka siyempre ang wardrobe mistress. First time kasi siyang natanong kung nasaan ang price tag ng mga damit. Ang gusto pala ng aktres, brand new ang ipasuot sa kanyang damit kaya
hinahanapan niya ito ng price tag. Hindi raw siya nagsusuot ng damit na sinuot na ng ibang tao.

Ito ang nakakatawa. Nagmaganda ang aktres na meron siyang mga dalang damit. Okay lang naman sa wardrobe department. Ang kaso, kulang ang dalang damit ng aktres, kaya naman natawa sila ng palihim nang itanong ng aktres kung nasaan na ang damit na pinasusuot sa kanya.

‘Ayun, isinuot din ng aktres ang damit na nung una’y inaayawan niya. ‘Kaloka siya, ‘di ba?

Sinex siya? Naku, minsan na niyang pinahanga ang buong universe sa taglay niyang kagandahan. ‘Yun na!

(Alex Brosas)

loading...

4 thoughts on “SUSUOTIN DIN PALA: BEAUTY QUEEN-ACTRESS, NAG-INARTE SA WARDROBE!

Leave a Reply

Your email address will not be published.