Susunod sa paglaladlad ni Charice?!
Yeng Constantino at Angeline Quinto, may bahid din!

NANG MAGLADLAD si Charice sa tunay niyang pagkatao, ikina-shock ito ng movie industry kahit wala pang pag-amin mula sa kanya. Naging sentro ng usapan sina Yeng Constantino at Angeline Quinto na pinagdududahan rin ang kanilang pagkababae. Ilang beses na nilang pinagsigawan na hindi sila tibo pero patuloy pa rin ang issue ito sa kanila, ayaw mamatay-matay, bakit nga ba?

“Babae po ako, I’m a woman,” ang madalas sabihin ng Pop Rock Princess tuwing tatanungin siya sa totoo niyang gender. Pero nadu’n pa rin ang pagdududa ng nakararami na may mystery sa totoong katauhan ng magaling na singer-composer. Babae kung pakatititigan pero sa kilos at galaw, mababakas mo ang pagka-astig nito. Kung minsan, hindi siya aware na may mapanuring matang nakamasid sa kanya sa likod ng camera kaya’t hindi maiiwasang lumalabas ang totoo niyang personality.

Kahit nabalitang nanligaw kay Yeng sina RJ Jimenez at Carl Guevarra, hindi niya ito pinag-ukulan ng pansin. May nagsabi, umiiwas lang siyang maligawan. Sinabi pa niya sa aming interview na gusto na niyang magka-boyfriend, kaya lang, hindi pa dumarating si Mr. Right. Mahirap naman daw na makikipag-boyfriend lang siya para patunayan sa mga tao hindi siya tomboy. Kilala raw niya ang kanyang sarili kaya’t wala siyang dapat patunayan sa ibang tao. Hindi apektado ang magaling na singer-composer kung hanggang ngayon ay lenggua estopada pa rin ang tingin sa kanya.

Priority kasi ni Yeng ang kanyang singing career kaya rito siya naka-focus. Kailan lang, naging Favorite Female Artist ng MYX Music Award 2013. As a singer-performer, happy ang dalaga sa magandang takbo ng kanyang singing career.

PUMAPANGALAWA SI Angeline Quinto na may bahid din ng pagka-tibo. Ilang beses na rin niyang itinanggi na belong siya sa third sex. Katunayan nga, binabandera nitong crush niya sina Coco Martin, Sam Milby at Paulo Avelino na naging leadingman niya sa pelikula at teleserye sa Kapamilya Network. Isa man sa tatlong hunk actor ay walang nagka-interes na ligawan ang Young Song Bird. Pilit mang inili-link kung kani-kaninong actor ng ABS-CBN ang dalaga, hindi naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng publiko.

Wala naman kasing kadating-dating on screen si Angeline. Hindi namin maramdaman ang character na pino-portray niya. Wala lang, halata mong umaakting lang ito. Wala siyang certain charisma sa viewing public kaya hindi nag-rate ang kanyang TV show.

As a singer, magaling si Angeline lalo na sa live performance, parang CD ang dating ng kanyang boses, klaro ang lyrics ng song, malinis ang pagkakanta. Magka-timbre nga sila ng boses ng idol niyang si Regine Velasquez nang minsan namin siyang panoorin sa Valentine concert niya sa MOA. Pero as a performer, wala lang, kung anu-anong anik-anik ang pinagsasasabi on stage. Ayaw sumunod sa script, ‘yung gusto niya ang masusunod kahit palpak naman siya as a performer. Kung minsan, nawawala sa sarili, nagiging astig ding pumorma kahit naka-gown pa ito kaya’t nandu’n ang pagdududa sa totoong gender ni Angeline.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

10 thoughts on “Susunod sa paglaladlad ni Charice?!
Yeng Constantino at Angeline Quinto, may bahid din!

  1. igalang na lang,,sana matauhan na rin sina Aneline at yeng,,,magpaka totoo na sila…lalo na yang si Yeng,,,hayyy naku yeng bago ka maging kamukha ni Madam auring,,,magsabi ka na ng katotohanan….pakanta kanta ka pa lang sa montalban kasama ang dati mong banda ay alam na namin na tiburcio ka pre,,

  2. If ever they are gay I’ll still respect them for as long as they don’t follow the footsteps of charice.
    coming out doesn’t mean you have to drastically change your appearance to the point that you become the laughing stock of the people. if your proud to be gay there’s a fine way of showing it with dignity.

  3. oo nga, true yan. wala talagang kadating-dating c angeline. kahit sino pang ipartner sa kanya wala talagang kilig factor. hindi dinudumog ng mga  tao ang mga shows niya kasi sa totoo lang wala talaga syang solid fan base. para lang syang decoration sa mga shows.

    • talaga teh? sure ka ba dyan sa statement mo? research muna bago mag comment ha. mag google ka, youtube, twitter at facebook na rin para makita mo pics at vids ng mga shows ni Angeline HERE and ABROAD para makita mo ang mga taong “dumudumog” sa mga shows nya.

      • hahhaha. dumadagundong daw. kahiya ka te. para ngang sementeryo eh. walang kaingay ingay. napakatahimik. hahhaha. nakakahiya. dito nga sa cebu nong nagconcert xa eh walang traffic. malapit ka mi sa venue.. parang wala lang. ordinary day. tahimik na tahimik ang venue. feeling sikat kasi eh hindi naman. walang solid fan base. her fans are not enough para maging sikat xa. poor angeline. 

      • ibigay mo nga sa akin yong mga link sa shows niya na sabi mo dumadagundong ang mga tao. so far sa nakita ko, walang hiyawang nangyari. nanonood kasi ako sa mga shows nya sa mga net working site not because im a fan ha. just to laugh at her failure.. hahahahha. feeling sikat kasi. tingnan nyo hindi nag rate ang kahit konting pagtingin. hindi nga umabot ng 2 months. sana kung sikat xa at maraming fans nag season 2 hanggang 20 sana yong palpak na kahit konting pagtingin nya. tapos yong movie w/ coco martin hindi naman blockbuster. hahahaha. kakahiya

  4. HMMM…PARANG TIBURCIA NGA ITONG SI YENG. PERO SI ANGELINE? PARANG JOLOGS LANG AT TOMBOYISH, NOT NECESSARILY A LESBIAN. OH WELL, KUNG TRULILI, GORA LANG! WALANG MASAMA. NAKOH, USO NA NGAYON ANG NAGKA-COME OUT. OH, PATI SI JASON COLLINS NG NBA. LALO PA SYANG MINAHAL NG MARAMI SA TWITTER AT FACEBOOK. SO, YUNG MGA PAPA JAN, LABAS NA SA CLOSET AT ANG HIRAP HUMINGA JAN SA LOOB. HAHAHAHA. KALOWKAH!

Leave a Reply

Your email address will not be published.