Suspetsa may ibang lalaki
Misis, Kitil sa Gilit ni Mister

TODAS ANG misis matapos gilitan sa leeg ng kanyang mister makaraang magtalo ang mga una dahil sa pangungulit ng huli para paaminin ang una na may iba itong lalaking kinalolokohan kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-the spot sanhi ng pagkakalaslas sa leeg ng patalim ang biktimang si Luzviminda Oliveros, 44, ng Phse 12, Tala, Caloocan City.

Tugis naman ng pulisya ang asawa ng biktima na si Samuel Oliveros, 43, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas 6:00 ng umaga nagtatalo ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar hinggil sa hinalang may ibang lalaki ang biktima.

Bago, ang insidente, makulit na tinatanong ng suspek ang biktima at pinapaamin nito kung sino ang lalaking kinalolokohan ng misis na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dito, kumuha ng patalim ang suspek saka ginilitan sa leeg ang asawa na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan saka tumakas sa di-malamang direksyon.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.