Suspetsa kina Jennylyn, Yasmien at Nadine!

Una nating nasilayan ang kagandahan nina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi at Nadine Samonte sa kauna-unahang reality-based artista search ng GMA-7, ang Starstruck. Dito nauso ang mga pakontes kung saan nasaksihan ng mga manonood ang bawat sakripisyo at hinagpis ng isang kabataang gustong sumikat at makilala sa mundo ng showbiz.

Pitong lalaki at pitong babae (sina Cristine Reyes, Jade Lopez, Sheena Halili, Katrina Halili at ang tatlong mariang sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi at Nadine Samonte) ang nakapasok na finalists. Tandang-tanad pa namin kung paano mag-away-away ang mga tagahanga nila. Nagpasiklaban sila sa kantahan, sayawan at siyempre, sa aktingan. May mga namuong awayan at pag-iibigan.

Si Cristine Reyes ngayon ay namamayagpag bilang isa sa mga sexy dramatic actress ng ABS-CBN, subalit mukhang nagbabalik Kapuso na rin. Si Jade Lopez naman ay nag-aaral ngayon sa kolehiyo at naghihintay pa rin ng kanyang malaking break. Si Sheena Halili ay muling nakabangon nang magdesisyong pasukin ang mundo ng komedya at si Katrina Halili ay nananatiling pinakakontrobersyal at masasabi nating pinakasikat sa kanilang lahat.

Marami ang natuwa nang malamang nagsama-sama ulit ang  tatlong dilag sa SRO Cinemaserye presents… Suspetsa. Equal naman ang billing sa tatlo kung kaya’t walang maririnig na reklamo. Kasama rin sa nasabing programa sina Paolo Contis, Victor Aliwalas at ang napakakontrobersyal ring si Baron Geisler. Napakaganda ng ideya ng GMA-7 na pagsama-samahin ang tatlo sa kanilang pinakamagagandang artistang babae.

Ano nga ba ang nangyari kina Jennylyn,  Yasmien at Nadine pagkatapos ng Starstruck? Aalamin natin ‘yan next issue.

Si Jennylyn Mercado ang kauna-unahang tinanghal na Ultimate Female Survivor ng Starstruck. Sa totoo lang, hindi naman talaga kapansin-pansin ang dalaga noong umpisa ng palabas, pero nakuha niya ang sympatiya ng tao nang mag-umpisa siyang magkuwento tungkol sa kanyang mapait na nakaraan bilang isang battered child. Ang angking kagalingan din niya sa pagkanta ang kanyang naging alas para talbugan ang mga kasamahan.

Naging onscreen at offscreen partner niya ang ‘Bad Boy ng Dancefloo’r na si Mark Herras. Marami silang pinagsamahang TV shows, pelikula at product endorsements. Nakapaglabas na rin si Jen ng tatlong album sa ilalim ng GMA Records.

Puwede na ngang ikumpara sa isang teleserye ang buhay ni Jennylyn. Iniwan siya ng kanyang tunay na ina at si Nanay Lydia ang tanging kumupkop at nagmahal sa kanya. Naging miyembro siya ng choir sa kanilang lugar at kumakanta-kanta ito sa iba’t ibang lugar para may pandagdag sa kanilang pangkain. Pinasok rin niya ang mundo ng pagmomodelo at isa pa nga siya sa mga Bambini Girls bago pa ito nakilala sa Starstruck. Nalaman lang ng madla ang buong kuwento ng buhay ni Jennylyn pagkatapos niyang manalo. Simula noon, sinuportahan na rin niya ang mga batang tulad niyang walang awang inabuso.

Ang lovelife din ni Jen ang palaging pinag-uusapan sa mga magazine at tabloid. Marami ang nawindang sa on-off relationship nila ni Mark dati. Tuluyan silang nagbreak nang diumano’y nahuli ni Jen si Mark na may kahalikang ibang babae. Pagkaraan ng ilang buwan, naging nobyo na nito si Batang PX na si Patrick Garcia. Maganda naman ang daloy ng relasyon nila noon, hanggang sa ibalita nila na nagdadalang-tao si Jennylyn. Biglaan na lang naghiwalay ang dalawa ilang linggo pagkatapos ng pagtatapat at ang bunga nga ng kanilang pagmamahalan ay si Baby Alex Jazz. Nawala pansamantala ang aktres pero bongga naman ang kanyang pagbabalik dahil ipinagkatiwala sa kanya kaagad ang Sinenovela presents Paano Ba Ang Mangarap?, kung saan sila nagbalik-tambalan ni Mark Herras.

Kakatapos lamang ng concert ni Jennylyn Mercado sa Music Museum na pinuno ng kanyang mga avid fans. Marami nga lang ang nadismaya nang mabalitang nawawala daw ito. Akala tuloy ng iba, gumugimik lang siya, pero totoo nga naman daw na may sakit siya. Pinaghahandaan din ni Jennylyn ang coffee table book kung saan nakalagay ang kanyang mga larawan mula noong pinagbubuntis niya ang kanyang sanggol hanggang sa ipanganak na nga ito. May mga balita rin na si Jennylyn daw diumano ang makakapareha ni Dingdong Dantes sa remake ng Stairway to Heaven. Siya din ang napiling gumanap bilang Gabriela Silang sa isang indie film. Suspetsa namin, mas lalong sisikat si Jennylyn. Lucky charm nga nito ang kanyang Baby AJ. (Itutuloy)

by Pinoy Fans Club

loading...

2 thoughts on “Suspetsa kina Jennylyn, Yasmien at Nadine!

Leave a Reply

Your email address will not be published.