Suspetsa kina Jennylyn, Yasmien at Nadine! (Part 2)

Si Yasmien Kurdi ang first princess ng unang season ng Starstruck. Tandang-tanda namin na nagkaroon kaagad ng gap sina Cristine Reyes at Yasmien sa Starstruck dati at silang dalawa rin ang pinakabata. Maya-maya’y nabalitang matagal na pala silang may ‘silent war’ ni Nadine Samonte. Paano ba naman, halos lahat ng kontes na salihan nila noon ay magkalaban sila! Si Yasmien ang batang palaban lalo na pagdating sa aktingan. Na-link din sa kanya sina Alvin Aragon, Rainier Castillo at Dion Ignacio.

Pagkatapos ng Starstruck, itinambal na siya kay Rainier Castillo. Marami silang naging proyekto na karamihan ay romance-comedy. Dahil na rin sa magkaiba nilang forte, nagkahiwalay ng landas ang RainYas tandem.

Nakahanap ng bagong kapareha si Yasmien Kurdi sa katauhan ni JC De Vera. Una silang nagtambal sa Sinenovelang Pati Ba Pintig ng Puso? at Pasan Ko Ang Daigdig. Dahil sa mainit na pagtanggap ng Kapuso viewers sa kanilang tambalan, pinagdesisyunan ng GMA-7 na isabak silang dalawa sa primetime sa pamamagitan ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita. Binigyan din sila ng launching movie na Loving You under Regal Films.

Sa hindi malamang kadahilanan, nagkalayo na naman sila ng landas. Si Yasmien ay ipinares sa dating ka-MU na si Dion Ignacio sa Sinenovela presents Saan Darating Ang Umaga? Ngayon ay pinipili na lamang ni Yasmien ang mga proyekto niya dahil desidido itong makatapos ng pag-aaral. Kasalukuyan siyang nakikipaglaban kay Iwa Moto sa Dear Friend presents Madrasta. Maingay din ang pangalan ng dalaga sa ngayon dahil sa isyung kinasangkutan nito ukol sa pambabastos sa kanya ni Baron Geisler. Nga pala, nagkaroon din ng dalawang music album si Yasmien under GMA Records. May lalabas din itong indie film kung saan kasama niya ang iba pang Starstruck graduates. Abangan natin ‘yan.

Masasabi namin na suwerte si Nadine Samonte, dahil ni minsan ay hindi siya nabakante ng trabaho. Sa katunayan nga, siya pa ang mas nauna kina Jennylyn at Yasmien na magkaroon ng palabas kung saan siya ang bida sa panghapong dramang Dito sa Puso Ko, kung saan katambal niya si Oyo Boy Sotto. Nasundan pa ito ng fantaseryeng Leya: Ang Pinakamagandang Hayop sa Ilalim ng Lupa. Nagkaroon din sila ng pelikula na Forever My Love, pero hindi ito kinagat ng mga manonood.

Minsan ding binansagan si Nadine bilang “GMA Afternoon Drama Princess” dahil lumabas ito sa ilang season ng Love 2 Love, Now and Forever at Sinenovela na pawang naka-toka sa panghapong timeslot.

Hindi rin naman nawawala ang beauty ni Nadine sa primetime. Nagbida siya sa Super Twins, kung saan ginampanan niya ang papel na Super T at kakambal niya rito si Jennylyn Mercado. Naipakita rin ni Nadine ang kanyang versatility bilang artista dahil lumabas na siyang kontrabida sa Marimar, Ako si Kim Sam Soon at Gagambino. Napabilang din ito sa ilang pelikula at may mga endorsements pa ring hinahawakan.

Masayang-masaya naman ang dalaga sa kanyang lovelife dahil matagal na rin sila ng kanyang kasintahang si Emerrson Chua. Masuwerte rin si Nadine dahil kinakagat ng masa ang kahit sinong i-pares sa kanya. Ilan sa kanyang mga naging ka-loveteam ay sina Oyo Boy Sotto, James Blanco, Tyron Perez, Cogie Domingo, Polo Ravales, Dion Ignacio, Dingdong Dantes, Mark Anthony Fernandez at ngayon ay si Paolo Contis sa SRO Sinemaserye presents… Suspetsa. (Tatapusin)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.