Suspension Order ng CAAP, Iaapela ng Zest Air

PLANO UMANONG iapela ngayong araw ng Zest Air ang ipinataw na suspension order laban sa airline ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ayon kay airline director Joy Caneba, nakatakda nilang isumite sa nasabing ahensiya ang kanilang comprehensive improvement program na magpapatunay sa ginagawang hakbang ng kumpaniya para maresolba ang sinasabing “safety issues” nito.

Una rito, tinukoy ng CAAP na kabilang sa mga nakitang paglabag ng kumpanya ay ang kabiguang i-check ang aircraft logs, flight manifest at weather, kabiguang magprisinta ng airman license habang nag-iinspeksyon ng rampa, sunud-sunod na kanseladong flights dahil sa kakarag-karag na eroplano, nagre-refuel kahit may nakasakay na mga pasahero, sobra-sobrang flight duty time at kawalan ng accountable manager ng airlines.

Napag-alaman din na nitong buwan lamang ng Hulyo, 33 flights ng ZestAir ang nakansela.

Samantala, kamakailan ay nasa 30 domestic at 2 international flights ng airline ang hindi pinayagang makabiyahe kasunod ng naturang suspension ng CAAP.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.