Suspek sa Sabah kidnap case, may lead na – AFP

PATULOY ANG pakikipag-ugnayan ng Philippine security forces sa Malaysia, hinggil sa report na natukoy na ng Malaysian police ang kinaroroonan ng mga dinukot na Pinay at Chinese tourist mula sa Singamata Reef resort sa Semporna, Sabah.

Sinabi ni Western Mindanao Command chief Lt/Gen. Rustico Guerrero na sa ngayon ay patuloy pa ang kanilang paggalugad sa lugar na pinaniniwalaang pinagtataguan ng mga kidnappers.

Una nang naireport na posibleng grupo ng Abu Sayyaf ang na salikod nang panibagong kaso ng abductionsa Sabah.

Una rito, inihayag ni Eastern Sabah Security Command director general Mohammad Mentek na buhay at maayos naman ang kalagayan ng mga biktimang sina Gao Huayan at Marcelita Dayawan.

Ayon kay Mentek, natukoy na nila ang lokasyon ng mga hostage maging ang pagkakilanlan ng Abu Sayyaf group na siyang may hawak sa mga bihag.

Isa umano sa mga kidnappers ay dawit din sa pagdukot sa babaeng Taiwanese noong Nobyembre ng nakaraang taon sa Pom Pom Island.

Sinabi pa ni Mentek na ang iba pa ay sangkot din sa pagdukot sa 21 katao sa Sipadan Island noong 2000.

Aniya, posibleng ang mga Pinoy umano sa Sabah ang nagbigay ng impormasyon sa Abu Sayaff tungkol sa mga hostage.

Hinggil dito, apat na katao ang dinakip ng Malaysia at isinasailalim sa pagsisiyasat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.