Suspek sa Panggagahasa sa Grade 3 Student, Tiklo

ARESTADO ANG isang lalaki dahil sa panghahalay nito sa Grade 3 student na kapit-bahay nito sa bayan ng Calasiao sa Pangasinan.

Nasa kustudiya na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI Dagupan) ang salarin na si Christopher Torres, na residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa kuwento ng biktima, dalawang beses siyang pinagsamantalahan ng salarin noong Biyernes ng madaling-araw.

Sa ngayon, nahaharap ang suspek sa kasong Rape na isinampa mismo ng tanggapan ng NBI Dagupan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.