Suspek sa Pananambang sa Alkalde sa Nueva Ecija, Arestado

ARESTADO NA ang nagtangkang pumaslang sa alkalde ng Caranglan, Nueva Ecija.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesman Chief Superintendent Agrimero Cruz, Jr., naaresto si Jose Berlino,  sinasabing nagsilbing lookout sa pananambang kay Caranglan Mayor Restituto Abad at sa kanyang tauhan.

Sa record, pinagbabaril ang mga biktima ng motorbike-riding suspek sa Brgy. Saranay sa bayan ng Guimba.

Si Abad ay nagtamo ng tama ng bala sa kili-kili at balikat habang ang aide-driver nito ay may tama sa ulo at leeg.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.