Suspek sa pamamaril sa NAIA 3, tukoy na

TUKOY NA ng mga awtoridad ang lokasyon ng salarin sa pamamaril sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na ikinasawi ni Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa at tatlong iba pa noong Disyembre 20.

Sinabi ni Task Force Talumpa head Senior Superintendent Billy Beltran na natunton ng kanilang grupo ang isa sa mga salarin na si Marux Amblong sa isa sa mga lalawigan sa Mindanao.

Hindi na idinetalye pa ni Beltran ang eksaktong lokasyon ng suspek habang nagpapatuloy ang operasyon.

Gayunman, hindi anila madadakip ang suspek dahil hinihintay pa ang warrant of arrest na ipalalabas ng korte.

Maaalala na si Amblong at dalawang iba pa ay kinasuhan ng multiple murder at multiple frustrated murder higit isang linggo matapos ang pamamaril.

Bagama’t dating tauhan at malapit kay dating Labangan Mayor Wilson “Kity” Nandang, naghahanap pa ang mga awtoridad ng matibay na ebidensyang mag-uugnay sa dating alkalde bilang utak sa pagpaslang kay Talumpa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.