Suspek sa pagpatay sa kagawad, nakunan ng litrato

NATUKOY NG MGA awtoridad ang mga taong may kinalaman sa pagpatay sa isang kagawad nang aksidenteng masama sa kinuha nitong larawan sa kanyang pamilya ang suspek at ang mga kasangkot nito ilang segundo bago ang pamamaril sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon.

Kasalukuyan nang hawak ng mga awtoridad ang mga lookout na sina Michael Rullon, 27; at Frederick Sales, 29, kapwa residente ng Fish Pond, Maypajo ng nasabing lungsod.

Patuloy namang pinag-hahanap ng pulisya ang sinasabing gunman na na-kilalang si Arnel Buenaflor na hanggang sa kasalukuyan ay nagtatago pa rin sa batas.

Sa rekord ng pulisya, dakong 12:15 ng madaling-araw noong January 1 nang maganap ang pamamaril sa harapan ng bahay ng biktimang si Reynaldo Dagsa, 38-taong gulang, kagawad ng Brgy. 35, Maypajo.

Bago ang insidente, kinukunan ng litraro ng biktima ang kanyang pamilya at habang pumoporma ang kanyang mga kukunan nang dumating ang suspek at ang isa sa mga lookout nito.

Bago pa nagawang makapagpaputok ng gunman, nakunan na ng biktima ng litrato ang kanyang pamilya   at  aksidenteng   nasama sa litrato ang mga suspek na si Buenaflor at Rullon.

Matapos ang pamamaril, mabilis na nagsitakas ang mga suspek at hindi nito inakala na nasama sila sa larawan na siyang ibinigay ng pamilya ng biktima sa mga awtoridad upang   maaresto ang dalawa sa mga ito.

Napag-alaman na nagtanim ng galit ang isa sa mga suspek sa biktima ma-tapos na ipakulong ito dahil sa pagnanakaw sa mga kotseng nakaparada sa kanilang lugar may isang taon na ang nakalilipas.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.