Suspek sa Pagpatay sa Isang Modelo, Patay sa Shootout

PATAY ANG suspek na si Fahad Usman matapos ang isang eng-kwentro sa mga pulis. Si Usman ang sinasabing dumukot at pumatay sa part-time model na si Julie Anne Rodelas.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), nakita ang suspek sa isang bahay sa may Lanao St., Quezon City. Nang makita ang pulis, agad itong nagpaputok kung kaya napilitan ang mga awtoridad na gumanti na dahilan ng pagkamatay ng suspek.

Ang iba pang suspek na sina Altea Altamirano at Fernando Quiambao Jr., ang mga nauna nang inaresto matapos silang mamataan sa may Apalit, Pampanga.

Kilala ni Altamirano ang mga suspek at biktima ngunit hindi ito agad nakipagtulungan sa pulisya, kung kaya’t isinama na rin siya sa imbestigasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.