Suspek sa Pagpatay sa Ginang sa QC, Tiklo

NADAKIP NA ang pa-ngunahing salarin sa pagpatay sa isang ginang sa Barangay Salvacion, La Loma, Quezon City kamakalawa.

Sinabi ni Chief Superintendent Richard Albano na natimbog nila si Simon Orbano, ang registered owner ng Mitsubishi Adventure na ginamit na getaway vehicle sa naturang krimen.

Inabandona pa ang sasakyan sa parking lot ng Sto. Domingo Church.

Nabatid naman na si Orbano ay asawa ng tiyahin ng napatay na biktimang si Maria Salud Gatmaitan.

Ayon kay Albano, posibleng hindi pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil wala namang tinangay ang salarin.

Pero inaalam pa kung ano ang motibo ni Orbano sa pagpaslang kay Gatmaitan.

Samantala, nananatili naman sa Chinese General Hospital ang biyenan ng biktimang si Noemi Pineda na pinalo naman umano sa mukha ni Orbano.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.