Suspek sa Pagpatay sa Among Intsik, Kusang Sumuko Dahil sa Takot

 

KABA AT takot ang nag-udyok sa isang empleyado para kusang isuko ang sarili sa mga awtroridad, makaraan brutal nitong patayin ang kanyang among Intsik sa Caloocan City, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Kinilala ni Caloocan City Chief of Police Senior Supt. Rimos Calixto ang sumukong suspek na si Janny Tabla, 34, emple-yado ng Serie Marketing Corporation na matatagpuan sa Tirona St., Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng Caloocan PNP, bandang 5:50 ng hapon noong nakalipas na Oktobre 6, 2012 ay pinasok ng suspek ang among si Terry Sy, 49 anyos, sa tinutuluyan sa nasabing lugar upang bumale ng P3,000 upang ipadala sa amang may sakit sa probinsiya.

Hindi pinabale ng biktima ang suspek na naging dahilan upang magdilim ang paningin ng lalaki hanggang sa bunutin nito ang kanyang patalim at pag-uundayan ng saksak angh biktima, hindi pa umano nasiyahan ang suspek ay nilagre pa nito ng lagareng bakal ang batok ng kanyang amo.

Napag-alaman pa, ma-tapos ang insidente ay kinuha umano ng suspek ang P10,000 ng biktima bago tumakas at dumaan sa bubong saka nagpalit ng damit.

Nabatid pa, nakuha sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang T-shirt na pinagpalitan ng suspek na may tatak na Jaja dahilan upang magtago ang suspek sa Bicol.

Dahil alam ng suspek na pinaghahanap na siya ng awtoridad hinggil sa kanyang ginawang krimen, natakot ito na baka may mangyari sa kanyang masama kaya kusa na itong sumuko, subalit itinanggi nito na kinuha niya ang pera ng amo.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.