Suspek sa Pagpatay sa 7-anyos, Sumuko Na

NAKAHINGA NANG maluwag ang ina ng pitong taong gulang na batang lalaki na natagpuang patay sa kangkungan sa Brgy. Abella sa Naga City makaraang boluntaryong sumuko na rin ang suspek.

Ang sumuko sa PNP Calamba ay ang kanyang kinakasama na nagtago matapos ang halos isang buwan sa Laguna.

Base sa nakuhang impormasyon ng mga kinauukulan, sumuko si Brian Belga sa himpilan ng PNP Calamba habang patuloy pa rin na pinaghahanap ang isa pang salarin.

Samantala, nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation si Belga kung saan mariing itinanggi nito na siya ang pumatay sa anak ng kanyang kinakasama.

Giit nito ang kanyang kaibigan na si Erick Behis, 18, ng Libmanan, Camarines Sur, ang nasa likod ng insidente, subalit natakot lamang umano siyang magsalita dahil alam niyang walang maniniwala sa kanya.

Sinasabi namang selos sa dating asawa ng ina ng biktimang si Ronnel Balane ang itinuturong

dahilan ng pagpatay sa nasabing bata noong nakaraang Pebrero 7.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.