Suspek sa Pagpatay, Pinatay

PAGHIHIGANTI ANG tini-tignan anggulo ng mga pulis sa pagpatay sa kelot na tinuturong pumatay sa kalugar matapos pasukin ang una at barilin ng isa sa apat na hindi pa nakikilalang mga lalaki habang nagpa-pahinga sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Emuel Gremio, alyas Pilay, 21; habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa kanang balikat ang kapatiid na si Jayson, 19, kapwa ng Flovihome, Tonsuya ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-4 ng hapon, nagpapahinga ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay nang pasukin ng mga suspek at pagbabarilin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa TMC si Jayson.

Nabatid na si Emuel ang itinuturong bumaril at nakapatay sa kalugar na si Alfonso Abaigas, nasa hustong gulang sa nasabing lugar noong nakaraang E-nero 15, 2012.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.