Suspek sa pagnanakaw sa Phivolcs-Legazpi, tiklo

HAWAK NA ng mga kinauukulan ang suspek sa pagnanakaw sa istasyon ng Philippine Institute of Volcanology & Seismology (Phivolcs) sa Albay.

Ayon kay SPO1 Reynante Banzuela ng Sto. Domingo Municipal Police Station, kinilala nito ang suspek na si Jomar Ramirez, 22-anyos, residente ng Brgy. Bagong San. Roque, Sto. Domindo ng naturang lalawigan.

Sinasabing tinangka ng suspek na ibenta ang isa sa mga baterya na ninakaw nito subalit dahil sa una ng paglilibot ng mga awtoridad at pagbibigay-babala sa mga junk shop na tatanggap ng mga ninakaw na gamit mula sa Phivolcs, agad naipagbigay-alam ng mga nakakitang residente sa lugar ang kinaroroonan ng suspek dahilan para ito ay agad na madakip.

Kahit nakakulong na, nananatiling tikom ang bibig ng suspek sa pag-amin na siya ang nasa likod ng pagnanakaw at maging kung sino ang mga kasabwat nito.

Labis namang ikina-dismaya ng lokal na pamahalaan ng Albay ang nangyaring pagnanakaw sa mga gamit ng ahensiya na malaking kawalan sa ginagawang monitoring ng Phivolcs sa kalagayan ng bulkang Mayon.

Matatandaan na inirekomenda mismo ni Albay Governor Joey Salceda ang habangbuhay na pagkakakulong sa sinumang mahuli na nagnanakaw ng mga gamit ng nasabing ahensiya.

Samantala, inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.