Suspek sa Pagkalat ng Sex Video sa Facebook, Tukoy na

MAY PANGALAN na uma-nong natanggap ang National Bureao of Investigation (NBI) na hinihinalang responsable sa pagpapakalat ng sex video ng guro at estudyante sa Iloilo City.

Base sa impormasyong nakuha ng mga awtoridad, isang bading ang kanilang salarin na itinuturo mismo ng mga sangkot sa eskandalo.

Sinabi ng dalawa na matagal nang nangyari ang naturang eskandalo at posibleng nakuha ang video mula sa nawalang cellphone ng lalaki.

Ang babae ngayon na isang third year college student na ay nasa high school pa lang noon habang ang lalaki ay isang guro.

Ang dalawang sangkot sa video scandal ay mag-asawa na ngayon at may isang anak.

Samantala, dahil sa eskandalo, sinibak sa pinagtuturuang paaralan ang lalaki.

Una rito, dumulog noong Abril 4 ang mag-asawa sa NBI-6, partikular na sa tanggapan ni Regional Director Manuel Almendares upang hilingin na maalis sa internet ang kanilang sex video scandal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.