Suspek sa Pagdukot sa 1-Taong Gulang na Bata, Dakip

NAARESTO NA ng Quezon City Police ang salarin sa pagdukot sa 1-taong gulang na batang si “Buboy”.

Makaraan ang 20 araw na pagtatago, natimbog si Anthony Dimalanta alyas Dennis Nabua.

Isang concerned citizen ang nagturo sa ki-naroroonan ng suspek sa Brgy. Masambong.

Si Nabua ang salarin sa pagdukot sa mahigit 1-taong gulang na si Lovelio “Buboy” Mendoza sa Brgy. San Antonio, Quezon City noong Abril 2.

Nakita pa sa closed-circuit television (CCTV) kung paano inakit at dinukot ng suspek ang bata.

Matapos ibalita ng TV Patrol, ibinalik siya sa kanyang mga magulang ng mag-asawa na umano’y pinagbentahan ng bata sa halagang P1,200.

Sinabi naman ni Dimalanta na ang matin-ding pagkalulong niya sa shabu ang dahilan kung bakit niya dinukot at ibinenta ang bata.

Bagama’t humingi na ng tawad, kakasuhan pa rin ng human trafficking ang salarin.

Samantala, panawagan din ng pulisya sa mga magulang ng biktima, ituloy ang demanda laban sa suspek para hindi na ito muling makapambiktima.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.