Suspek sa Ortega slay case, sumuko na

NASA KAMAY na ng mga kinauukulan sa Palawan ang isa sa mga akusado sa pagpatay sa mamamahayag at environmentalist na si Dr. Gerry Ortega.

Kinilala ni Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn ang salarin na si Arthur Regalado.

Gayunman, nananatili pa ring nagtatago ang mga pangunahing akusado na sina dating Palawan Gov. Joel Reyes at Coron Mayor Mario Reyes, Jr.

Hinimok naman ni Justice Sec. Leila de Lima ang iba pang akusado sa pagpatay kay Ortega na lumantad na rin at harapin ang demanda, kagaya ng sumukong si Arthur Regalado.

Pinalalala lamang nina dating Palawan Gov. Joel Reyes at Coron Mayor Mario Reyes Jr. ang sitwasyon dahil sa patuloy nilang pagtatago sa batas, ayon kay de Lima

Nabatid na si Regalado ay isa sa mga personal aide ng dating gobernador na inaakusahang nagkaroon din ng papel sa pamamaslang sa mamamahayag.

Tiniyak din ni de Lima na maaaksyunan na nila sa loob ng linggong ito ang reward na ilalaan sa sinumang makapagtuturo sa magkapatid na Reyes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.